Unang dalawang linggo pa lang, hirap na ang mga housemates sa mga task na ipinapagawa ni Kuya sa Pinoy Big Brother Double Up.
Kamakailan lang, ni-level up ni Kuya
ang challenge para kay Rob na nagpanggap na kasintahan ng TransPinay na
si Rica sa House A. Kailangan niyang mag-propose kay Rica ng kasal.
Kahit na hiyang-hiya na, tinanggap pa rin ng binata ang panibagong
hamon.
Very effective pa naman ang
kanilang make-believe romance, dahil marami sa kanilang mga housemates
ang napaniwala nila sa kanilang sadyang "slip-ups" tulad na lang ng
pagsabay nilang pagligo na naging sentro ng chismisan ng mga housemates.
Lumevel up din ang task nina
Patrick at ng mag-asawang si Jimson at Kath. Kailangan namang
i-celebrate ng nagkukunwariang mag-asawa na si Patrick at Kath ang
kanilang anniversary, kung saan si Jimson mismo ang magiging waiter sa
date nila.
Hirap na hirap na ang real life
couple na sina Kath at Jimson sa kanilang paghihiwalay. Ang houseband,
sabik na sabik nang mayakap ang kanyang asawa. Si Patrick din ay
nangungulila sa asawa sa outside world. Marami kasi siyang ginagawang
romantic gestures para kay Kath na sana raw ay magawa niya sa kanyang
tunay na asawa.
Kahapon ay tuluyan nang bumigay si Jimson at inamin na siya ang tunay na asawa ng La Señora.
Susuko na nga ba ang mga
housemates sa task ni Kuya? ‘Yan ang dapat abangan ngayong hapon (October 15) sa Uber kasama si Mariel Rodriguez, pagkatapos ng Banana Split Daily Servings.
Tunghayan naman ang full story ng task ng mga housemates, sa Pinoy Big
Brother Double Up, pagkatapos ng Dahil May Isang Ikaw, kasama si Toni
Gonzaga. Alamin din ang freshest news kasama si Bianca Gonzales tuwing
hatinggabi sa PBB Double UpLate.
CLICK HERE to view photos of the second batch of PBB Double UP housemates.